Thursday, June 18, 2009

Tulog

Walang kuryente.NPC daw(national power c0rp.)

Habang naghihintay ng muling pagdaloy ng kuryente,at hindi makaligo dahil wala ring tubig,eto binigyan ko ng pagkakataon ang aking blog para magpost ng walang katuturang bagay bagay...
Gusto ko sanang matulog pero baka dapuan ng lamok o langaw ang aking nahihimbing na anghel at magising,kaya pinili ko nalang mag-internet.Mabibitin lang ako sa tulog at nakakaabala din s pagtulog habang inuugoy mo ang duyan,mamaya nalang ako nanakaw ng idlip..
Masarap sana matulog ngayo at malamig pero mahirap matulog ng marami kang inaalala..

At habang inuugoy ko ang duyan at masarap na nahihimbing ang aking bunso,gustong-gusto ko ding matulog!Dahil sa mga puyat s mga maraming nagdaang mga araw,pambawi lang sana ang isang oras na tulog pero hanggang 10minuto lang ang pwede ko itulog,mahaba na y0n.


..Mahirap magalaga ng anak madaming sakripisyo pero habang pinagmamasdan ko ang aking mga anak na nakangiti @ masigla at sanay wag dapuan ng sakit,masaya at magaan na ang pakiramdam ng buong maghap0n ko kahit walang tulog...

0 comments:

Post a Comment