Friday, July 24, 2009

Halina kayo mga anak

Halina mga anak..Takbo'y inyong bilisan
Salubungin ang inyong nanay at tatay ng isang
Matamis at masarap na yakap
Ang sabik na sabik na ama at inang nais muling mayakap at masilayan ang kanilang mga munting anghel

Halina kayo at inyong bitbitin
Dala naming mga pasalubong
Na magpapasaya sa inyong maghapon
Mga laruan at damit na idadagdag sa inyong mga koleksyon

Halina kayo mga anak..
Tatabihan namin kayo sa inyong pagtulog.
Sa saliw ng musika,
Kayo'y aming ipaghehele
Hanggang sa kayo'y dalawin ng antok..

At sa muling pagsilay sa umaga,
Kasama nyo pa rin ang nanay at tatay, hanggang sa muling pagsapit ng gabi..
Kayo'y hindi iiwan at hindi pababayaan
Aalagaan hanggang sa huling pagtibok ng puso
Sapagkat kayo,mga anak ,ang bumubuo sa Buhay ng tatay at nanay..

0 comments:

Post a Comment