Monday, August 10, 2009

Comparison

0 comments

My eldest son Nicko Blue,just ended his 1 week vacation here(muñoz) yesterday.While here,he spent all his entire vacation playing.Dami nyang mga kalaro kaya naman tuwang-tuwa siya!Sadly,most of the time inaaway naman mga kalaro which is not good.Kahirap sawayin! I guess may pinagmanahan sabi nga!Hehe..

On the contrary, a two year old kid medyo kakulitan pa talaga kaya sometimes instead na magalit,natatawa nalang kami sa kakulitan nya kasi he is so malambing naman,our consolation..
When we say kiss to mommy and daddy,he kisses us not in the cheek but gave us smacks in the lip.

But everybody notices color differences of my kids.Nicko Blue is maputi and his sibling Terrence Aedin was a bit tan compared to Nicko.They often asked me,"why is that Nicko Blue is mas maputi than Terrence?Saan mo ba sila pinaglihi?"hmmnn.." I said " 'di ko alam.." But when it comes to look,mas pogi daw na naman si Nicko!Hehe..I told them,pareho silang gwapo in different way..Nadadala lang kasi sa puti that's why..I said. When you look deeply to my youngest son,you will notice na habang tinititigan mo,nagiging gwapo!Hehe..(ganyan ang mga mommy!Hehe)
When somebody say's, ka-pogi naman mga anak mo..Hanz say's, "mana sa daddy kanino pa nga ba!"hehe..Which i agree naman!Haha..

I just shared what other people say's about my kids..Hehe..
Oops...Wala muna kokontra, it's my blog!Haha..
Thanks for reading!

Friday, July 24, 2009

Halina kayo mga anak

0 comments

Halina mga anak..Takbo'y inyong bilisan
Salubungin ang inyong nanay at tatay ng isang
Matamis at masarap na yakap
Ang sabik na sabik na ama at inang nais muling mayakap at masilayan ang kanilang mga munting anghel

Halina kayo at inyong bitbitin
Dala naming mga pasalubong
Na magpapasaya sa inyong maghapon
Mga laruan at damit na idadagdag sa inyong mga koleksyon

Halina kayo mga anak..
Tatabihan namin kayo sa inyong pagtulog.
Sa saliw ng musika,
Kayo'y aming ipaghehele
Hanggang sa kayo'y dalawin ng antok..

At sa muling pagsilay sa umaga,
Kasama nyo pa rin ang nanay at tatay, hanggang sa muling pagsapit ng gabi..
Kayo'y hindi iiwan at hindi pababayaan
Aalagaan hanggang sa huling pagtibok ng puso
Sapagkat kayo,mga anak ,ang bumubuo sa Buhay ng tatay at nanay..